Sibalenhon Web Forum

web-forum-animination.gif

Welcome to our Sibalenhon Web Forum and feel free to share your views/outlooks for the development of our beloved island Sibale!

Maliy kamo, kita'y mag-kamustahan ag mag suyat it ato mga pananaw at kuro-koro, subaleng usa kina sa parayan adong lalung mapaganda pa nato ka ato pinalanggang banwa!

Click to view Sibalenhon Web Forum Archives

NOTE: Should you require assistance in signing up to this site, please send an email to Merwin F. Mosquera: masquemx@yahoo.com. He can help you to create your personal account. In your email, please do not forget to mention your desired username and password.

To update your personal profile and change your username and password, please double click HERE.

— Forum Scope —




— Match —





— Forum Options —





Min search length: 3 characters / Max search length: 84 characters

Lost password?
sp_TopicIcon
Bigasang Bayan/NFA-rice! (By: Vic 'enteng' Fadri)
RSS
Avatar
masquemx
94 Posts
(Offline)
1
August 7, 2008 - 5:11 am

Author Comment (Vic ‘enteng’ Fadri)
Jul 13, 08 - 9:30 AM Bigasang Bayan/NFA-rice!

Hello mga kasimanwa, kumusta kamo? Hali ako ngasing sa Maynila kaibhanan ako ni Mayor Boyet. Kami ay galing sa Romblon Provincial Capitol(July 11, Friday) para sa napaka-importanteng pagpupulong ng mga Mayors, Governor, SP Members, DA Secretary Art Yap,and Health Officials of Region 4-B. It’s all about Typhoon Frank and Princess of the Stars tragedy. Nabasa ko ang item tungkol sa NFA-rice na kung bakit daw ang munisipyo ang nagbebenta! Para sa inyong kaalaman ito ang aking pagka-unawa sa bagay na yan, ayon sa nabasa kong Project Proposal at SB Resolution kung saan ang Bigasang Bayan ay naitatag.

Alam nating lahat na ang commercial rice ay biglang tumaas ang halaga. Sa ating bayan, dati ang isang salop(2.2 kilos)ang halaga nito ay P50 to P55! Mga buwan ng Abril at Mayo, dala ng pagtaas ng gasolina at pagkasira ng mga palayan dahil sa pagbaha lalo na sa Mindoro, ang presyo ng commercial rice ay biglang lumubo at umabot sa presyong P80-P85 kada salop. Sa puntong ito, ang ating butihing Mayor ay gumawa ng paraan para maibsan ang epekto dala ng mataas na presyo ng commercial rice.

Sa Sibale ay hindi available ang NFA-rice dahil walang Licensed NFA retailer. Ang ginawa ni Mayor ay nakipag-ugnayan sya sa NFA-Romblon na magdeliver ng NFA-rice sa ating lugar. In two days time, dumating ang bangka lulan ang 300 sacks of NFA-rice. 200 sacks ang para sa ’school for food program’ at 100 sacks na available for sale sa ating mga kababayan. Pansamantala, nakahinga ng maluwag ang ating mga kababayan dahil sa murang halaga ng NFA-rice. Subalit madali itong naubos! Kung aangkat uli sa Romblon ay napakamahal ng hauling cost, umamaabot sa P20T ang arkila sa bangka. Dahil tayo ay sakop ng Province of Romblon, natural na doon tayo kukuha ng NFA-rice supply, kaya ang malaking halaga sa pag-arkila ng bangka ay isang sagabal.

Nag-isip ng paraan ang ating Mayor. Siya ay nakipag-ugnayan kay DA Undersecretary Bernie G. Fondevilla(taga-Romblon:tatay nya ay Simaranhon, nanay taga San Andres Romblon). Si Mayor ay nagtanong kay Usec Bernie kung paano maka-avail ng NFA-rice from Mindoro,ang NFA ay isang attached agency ng Dept. of Agriculture. Pinayuhan ni Usec Bernie si Mayor na sumulat sa NFA Administrator na si Mr. Jesus Navarro. Ito ay ginawa ni Mayor, at sa kanyang sulat binanggit ang distnsya ng Romblon(55 miles) at Pinamalayan(17 miles)

Sa madaling salita, by way of special accomodation and arrangement ang Sibale ay pinayagan na sa Mindoro umangkat ng NFA-rice. Ngayon ang tanong, bakit ang munisipyo ang nagbebenta? Muli, ipaalala ko sa inyong lahat na wala pang Licensed NFA-rice Retailer sa Sibale. Habang hinintay na magkaroon ng Licensed NFA-rice Retailers, nagpasya ang lokal na pamahalaan na pansamantala na sila muna ang magbenta ng NFA-rice. Inalalayan nila ang ating mga kababayan na hirap na hirap bumili ng commercial rice. Ang tanong, alin ang mahalaga, kapakanan ng iilang negosyante o kapakanan ng mga naghihirap nating mga kababayan? Ngayon, kung hindi kumilos ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor, baka sabihin naman natin na ano ang ginagawa ng mga namumuno sa atin para tulungan ang mga naghihirap nating kasimanwa! Magtulungan na lang tayo para sa ika-uunlad ng ating bayan!

——————Re: Bigasang Bayan/NFA-rice! ——————–
By: sibale student in Pinamalayan Or. Mindoro
Jul 18th, 2008 - 7:08 AM

….kinopya from the tabloid Abante Tonite, Biernes Hulyo 18 2008 VBol. xx Blg. 168…page 9..

…nagtataka ako kung bakit parang minamasama ng iba ang Bigasang Bayan sa Sibale. Mabuti nga at naisipan ng lokal na pamahalaan ang proyektong Bigasang Bayan, lumalabas na nauna pa tayo sa Cainta. Bakit ito ay hindi naisipan ng mga namumuno noon, at bakit ngayon ay nagawa ito?

Cainta nagbukas ng Bigasang Bayan

Kaugnay ng layunin ni Mayor Mon Ilagan na mabawasan nam ang kahirapan ng kanilang munisipalidad, nagbukas kahapon ang pamahalaang lokal ng Cainta ng Bigasang Bayan para sa mga kwalipikadong residente ng Cainta.

Kaagad namang dinumog ng daang-daang Caintanos ang naturang Bigasang Bayan para bumili ng murang bigas.

“I’d like to ensure that there’ll food in the table for every family in Cainta. Life is already hard as it is, so i’d like to aty least provide them the access to affordable but quality food through this project,” ani Ilagan.

Sa naturang Bigasan, mabibili ang NFA-rice sa halagang P19 per kilo at makakabili bawat kostumer ng hanggang
5 kilo.

Umpisa bukas, magbebebenta rin ang Cainta government ng mga bigas sa mobile store para mapuntahan ang pinakamahihirap na komunidad sa munisipilidad.

“Sayang ang ang matitipid nila kung mamasahe pa sila papunta rito sa munisipyo. Kami na lang ang maghahatid ng bigas sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng mga rolling stores,” ayon pa kay Ilagan.

Kitang-kita na malaking tulong ang Bigasang Bayan sa mga residente ng Cainta

——————Re: Bigasang Bayan/NFA-rice! ——————–
by: taga banilad
Jul 18th, 2008 - 9:52 AM

wala namang mali na magbenta ang local government ng bigas pansamantala para sa mga kababayan natin, tama, at makakatulong ito sa ating mga kababayan na d kayang bumili ng mamahalin na bigas sa kadahilanan ng patuloy na pagtaas ng presyo nito. pero di dapat nating kalilimutan na ang mga namumuhunan nating mga kasimanwa ay nagbabayad ng business permit at income tax para sa ating bayan, sa matagal na panahon ang maliliit na negosyanteng ito ay patuloy na tumutulong sa ating local na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis at serbesyo sa ating mga kasimanwa,
magkanun pa man, kung ang isang negosyante ay gustong magbenta ng NFA rice, dba dapat alamin nya kung paano makakakuha nito?
sa panahong ganito dapat cguro na magtulungan tayong lahat para malampasan natin ang ganitong sitwasyon. magusap at magkaisa, isantabi ang pulitika.

——————Re: Bigasang Bayan/NFA-rice! ——————–
by: a sibalenhon in manila
Jul 21st, 2008 - 8:53 PM

….madaling sabihin na gusto ng isang tao na magbenta ng NFA-rice sa sibale, kaya lang dapat kumuha sya ng permit sa NFA Romblon! as a regular licensed rice dealer or retailer, hindi naman automatic na makakatinda sya ng NFA rice, ang kanyang maibebenta lang ay commercial rice or any other grains for that matter. kaya kung gusto nya bumenta ng NFA rice kumuha sya ng NFA permit sa romblon,romblon. at halimbawa, nakakuha ka sya ng license to sell NFA rice, hindi rin automatic na makakatinda sya ng commercial rice or other grains for that matter. ngayon, nagtitinda ang local govt. ng NFA rice, pero ito ay hindi puedeng magtinda ng commercial rice, NFA rice lang ang puedeng ibenta. kung ang lokal govt. magbebenta rin ng commercial rice, doon na puedeng magreklamo ang mga licensed rice traders/retailers. ang nakikita ko rito ay selfish interests ng mga apektadong rice dealers at retailers, dahil ang kanilang mga commercial rice na umaabot na sa P95/salop ay wala ng bumubili, at puro NFA rice na ang binibii. bakit ganon, syempre kung saan makakamura ang mga kababayan natin, doon sila!

example, nakakuha na ng License sa NFA-Romblon, praktikal ba na mag-deliver ang NFA-Romblon ng 20 or 30 sacks of NFA rice sa Sibale, sa sobrang layo, always ready ba ang NFA Romblon for another deivery? alam naman natin para sa pamunuan ng provincial govt. para sa kanila, ang sibale ay napakalayo, tinatamad sila na puntahan ang ang sibale, usually umaayaw ang mga inuutusan punta sibale, at ang usual alibi nila ay….sibale lang da ina!…..pagdating ng election time, yan mapapansin na naman ang sibale….ok at naisipan ng ating Mayor na sa Mindoro na kumuha ng NFA rice, mahirap yata yon, tinulungan kaya sya ni Gov Jojo Beltran at ni Cong. Budoy Madrona, palagay koy hindi! syanga pala, alam ko na matagal na ang NFA rice, di ba noong unang panahon ang tawag dito ay NARIC, then NGA! at bakit hindi naisipan ng previous local administration na mag-avail din sa Mindoro? ok, magtulungan na lang muna tayong lahat, pagdating ng campaign at election period doon tayo maglabanan uli, parang 45 days lang naman yon,

Forum Timezone: UTC 8
All RSS Show Stats

Administrators:
Amor

Moderators:
Webmaster
Amor
masquemx

Top Posters:

backspace_18: 41

roldf: 19

Lim: 10

ghengf: 9

ghengf: 3

jenille abao: 3

Newest Members:

ABENIR

jaygladishcajes

pinoypiper

cmercado09

@winardf

hanrom1205

Forum Stats:

Groups: 6

Forums: 19

Topics: 116

Posts: 176

 

Member Stats:

Guest Posters: 6

Members: 757

Moderators: 3

Admins: 1

Most Users Ever Online: 85

Currently Online:
3 Guest(s)

Currently Browsing this Page:
1 Guest(s)