Sibalenhon Web Forum

web-forum-animination.gif

Welcome to our Sibalenhon Web Forum and feel free to share your views/outlooks for the development of our beloved island Sibale!

Maliy kamo, kita'y mag-kamustahan ag mag suyat it ato mga pananaw at kuro-koro, subaleng usa kina sa parayan adong lalung mapaganda pa nato ka ato pinalanggang banwa!

Click to view Sibalenhon Web Forum Archives

NOTE: Should you require assistance in signing up to this site, please send an email to Merwin F. Mosquera: masquemx@yahoo.com. He can help you to create your personal account. In your email, please do not forget to mention your desired username and password.

To update your personal profile and change your username and password, please double click HERE.

— Forum Scope —




— Match —





— Forum Options —





Min search length: 3 characters / Max search length: 84 characters

Lost password?
sp_TopicIcon
Be proud to be a Sibalenhon!
RSS
Avatar
jenille abao
PUP
3 Posts
(Offline)
1
June 19, 2008 - 12:18 pm

Word Power – the power of words. Makapangyarihan daw ang mga salita. Maaari kang pumatay ng tao sa pamamagitan lang ng salita. “Words are sharper than sword” sabi nga. Isang salita lang, makakapagbigay na tayo ng encouragement sa ibang tao. Subalit sa isang salita lang din, maaari tayon g makasira ng buhay ng iba. Pangungutya, tsismis....ilan lang ito sa mga salitang kapag binigkas natin, buhay na ng ibang tao ang masisira.

Hindi natin maipagkakaila na ilan sa ating mga Sibalenhon students dito sa syudad ang nakakaranas na mapagtawanan dahil sa ating pronunciation at diction. Isang kakilala ko ang nagkwento sa'kin kaugnay ng pangyayaring ito. Nagkamali sya ng pagbigkas sa salitang “period”. Hindi lang mga classmates n'ya ang nagtawanan kundi pati narin ang kanilang professor. Ang karanasan n'yang 'yon ay hindi nalalayo sa mga naranasan narin ng karamihan sa atin. Siguro hindi lang isang beses nating nabigkas ang bato na batu at ang piso na peso. Iba-iba ang nararamdaman at nagiging reaction natin sa mga ganitong sitwasyon. Ang ilan siguro, dedma lang. Ang iba, matatawa na lang din upang pagtakpan ang pagkapahiya.

Kung mapapansin natin, kahit ang mga laking syudad ay nagkakamali din ng pagbigkas, mas madalang nga lang kung ikukumpara sa atin. Ang pagkakaiba lang, 'pag sila ang nagkamali, “slip of the tongue” lang daw 'yon. Pero kapag tayo ang nagkamali, hindi na “slip of the tongue” 'yon. Normal na daw sa ating mga taga probins'ya ang ganitong mga pagkakamali. Minsan, nararanasan nating ma-out-cast sa grupo. Sosyal sila, hindi tayo pwedeng sumama kasi probins'yano tayo, bisaya tayo. Nakakaapekto din ito sa ating development. Nasisira ang self-confidence natin kapag naranasan na nating mapahiya. Hindi na tayo makapag-participate sa klase sa takot na magkamali at mapagtawanan lang. Hindi man natin aminin, ang ilan sa atin ay ikinakahiya ang pagiging bisaya. Hanggat maaari at hanggat kaya natin ay ililihim nating bisaya tayo – 'wag lang magkamali sa pronunciation at diction, lusot na tayo.

But come to think of it, ano bang masama sa pagiging bisaya? Dahil ba naaout-cast tayo? O dahil napapahiya ay napagtatawanan tayo? Bakit hindi natin tingnan ang positive side? Marunong tayong mag-bisaya, marunong din tayong mag-tagalog at mag-english. Pero sila? Tagalog at english lang ang alam nila. Isa pa sa masasabing advantage natin, (halos lahat tayo, ginagawa ito, aminin man natin o hindi) nakakapagsalita tayo ng hindi nila naiintindihan, kahit pa nga minsan hindi na maganda ang sinasabi natin.

Why don't we take it as a challenge to improve our diction and pronunciation? Patunayan natin na kahit bisaya tayo, probins'yano tayo, we can still compete with them. Kaya nating matutunan ang mga alam na nila, kaya natin silang pantayan at higit sa lahat, kaya din natin silang higitan. Why let those criticisms control us? Direct us? Bisaya tayo? So what? Be poud of what we are and where we came from. Diction and pronunciation don't matter, really. What matter is how we use our knowledge, and talents to improve ourselves, as well as our island.

Forum Timezone: UTC 8
All RSS Show Stats

Administrators:
Amor

Moderators:
Webmaster
Amor
masquemx

Top Posters:

backspace_18: 41

roldf: 19

Lim: 10

ghengf: 9

ghengf: 3

jenille abao: 3

Newest Members:

ABENIR

jaygladishcajes

pinoypiper

cmercado09

@winardf

hanrom1205

Forum Stats:

Groups: 6

Forums: 19

Topics: 116

Posts: 176

 

Member Stats:

Guest Posters: 6

Members: 757

Moderators: 3

Admins: 1

Most Users Ever Online: 85

Currently Online:
3 Guest(s)

Currently Browsing this Page:
1 Guest(s)