Ang Bahay Nina Lolo at Lola

Tara na sa bahay nina Lolo at Lola! 

Ang bahay po nina Lolo at Lola sa isla ng Sibale, Romblon, ay masarap pagbakasyunan, panoorin po ninyo kami.

Video Clip – Part 1 Video Clip – Part 2 Video Clip – Part 3
 “Ang Loob at Labas Ng Bahay Nina Lolo at Lola” “Ang Mga Halaman at Alagang Isda Nina Lolo at Lola” “Ang Mga Alagang Hayop Nina Lolo at Lola”
Jireh Paolo T. Mosquera Shekinah Gracia T. Mosquera John Simon T. Mosquera

 

Kung kayo po ay naghahanap ng magandang lugar at bahay bakasyunan, malugod po namin kayong inaayayahan sa Isla ng Sibale.  Huwag po kayong mag-alala sa bahay na inyo pong tutuluyan!

Sa mga video clips pong ito ay ipapakita po namin sa inyo “Ang Bahay Nina Lolo at Lola sa Isla ng Sibale”.

Ang bahay po nina Lolo at Lola ay malaki at maraming pong silid tulugan. Ito ay napapalibutan po ng iba’t ibang uri rin ng halaman at gulay.   Sa paligid nito ay malalanghap po ninyo ang sariwa at malamig na simoy ng hangin. 

Ang bahay nina Lolo at Lola ay malapit lamang po sa tabi ng dagat, at madali sa pagkain at ulam.  Sina Lolo at Lola ay may mga alaga ring isdang “Tilapia” sa tabi ng kanilang bahay.

Marami rin silang mga alagang hayop tulad ng manok, baboy at kambing.  Sa bahay nina Lolo at Lola ay hindi mahirap ang tubig.  May sarili rin silang kuryente na pinatatakbo ng electric generator.

Kaya talaga namang masarap magbakasyon sa Isla ng Sibale, sa lugar nina Lolo at Lola.

Tara na po kayo sa “Bahay Nina Lolo at Lola”!

Salamat po ng marami sa inyong panahon upang mapanood po ninyo kami dito sa bahay nina Lolo at Lola!

– Jireh, Jehu & Yannah

MERWIN F. MOSQUERA

Posted by under Video and Photo Gallery. Posted on May 24, 2008. Modified on May 25, 2008 .

Share on Facebook

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.